Monday, January 29, 2007

Astig!

"Wala sa sahod yan, nasa tikas yan ng trabaho."

Sabi nila astig daw ang trabaho ko. Sabagay, bihira ka nga naman makarinig ng taong ang inaaral ay mga bituin. Mabibilang mo sa daliri yung may ganung trabaho dito sa Pilipinas. At malamang sa alamang, kilala ko pa lahat. Mas marami pa siguro yung nagsisipsip ng poso negro kesa sa aming mga tinaguriang "astronomer".

Pag tinanong kung anong hitsura ng opis namin, ganito ang sagot ko: Meron kaming malaking telescope--- pinakamalaki sa Pilipinas. Dinonate sya ng Japanese government, worth around P20M, at may sarili syang "building". Meron din ditong atomic clock, worth P3M na ginagamit para sa dissemination ng Philippine Standard Time. At syempre, plus points pag sinabi kong nasa UP campus ang office namin.

Pag nagawi naman sa trabaho mismo, pag tinanong kung anong ginagawa namin, eto naman ang hirit ko: Observations, mostly--- variable stars, lunar occultations, sunspots, near-Earth objects, asteroids, tsaka special events tulad ng eclipse, meteor shower, etc. We also do research (pag trip magpasikat, magbabanggit ng title na heavy on scientific jargon pero simple lang kung tutuusin). Tapos we do lectures, stargazing and telescoping sessions. Madalas, out of town ang lecture.

* * *


Minsan pag lumalabas kami ng UP para maglecture sa ibang schools, madami kaming nakakasalamuhang iba't ibang klaseng tao. Merong ok, merong barubal. At pag sinabi kong tao, hindi lang estudyante yan, pati titser.

Meron ding iba't-ibang klase ng eskuwelahan, may maganda at malinis, meron ding parang nung isang taon pa huling dumaan yung trak ng basura (minsan, sa sobrang liblib ng pinupuntahan namin, parang hindi pa uso ang trak ng basura dahil di kaya ng budget ng pamahalaang bayan. OA, oo. Pero parang ganun yung lumalabas). Pag private, given na yun na maganda. Pero pag public, asahan mo. Sira-sira ang upuan, mataas ang teacher-student ratio, mababaho ang CR, walang electric fan, kulang-kulang ang pasilidad, at kung anu-ano pa. Meron din namang public school na maganda yung hitsura, pero nakapanghihinayang, hindi damay dun yung mga namamahay na estudyante at kaguruan.

Tuloy, kapag naninigarilyo ako habang naghihintay ng turn ko para mag-lecture, napapaisip ako. Pinagmumunihan ko kung bakit ganito ang kalagayan ng sistema ng edukasyon sa Pilipinas; kung bakit hanggang ngayon eh nasa gobyerno pa rin ako; at pag natatapat sa makukulit na mga estudyante, naitatanong ko sa sarili ko: "Tangina, makulit ba ko nung nag-aaral pa ko?!"

Alam ko, makulit ako nung high school, pero ibang kulit ang tinutukoy ko dito. Yung kulit na nakakairita. Yun yung gusto kong malaman. Pero bago ko pa masagot yung mga pinagmumunihan ko, naisip ko na yung gagawin ko: sa unang dalawang tanong, "HINDI PA DIN AKO SUSUKO" (vague pero malamang naiintindihan nyo). At dun sa huli, balak kong balikan yung mga titser ko nung HS para lang mag-sorry. Cheesy, pero yun ang naisip ko para mabaliktad yung karma. Hehehe.

* * *


Kanina, natapos ang lecture series namin sa Pampanga. Tatlong araw na nagpalipat-lipat ng HS para magturo at magbahagi ng nalalaman sa Astronomy. Tatlong araw na napagod at napuyat. Labing-apat na oras kami sa bawat eskuwelahan, umaga hanggang gabi--- bukod sa pagod ang utak, pagod pa ang katawan. Gusto ko na ngang i-suggest kay Merriam at kay Webster na idagdag sa depinisyon ng astronomer ang magsaway ng pila (dahil nakatago ang mga titser sa loob ng aircon na faculty room habang kami ay pinapapak na ng mga lamok), mag-ayos ng mga silya at magwalis (di ata kasi uso ang cleaners for the day sa probinsya), matulog sa sahig (dahil walang accommodations), at maging instrumento sa pagyaman ng iba (eto dapat may beer nang kasama to para buo ang kwento).

Pero lahat nyan tinitiis ko, sa ngalan ng SERBISYO... Isa lang kasi ang kilala kong energy drink--- ideyalismo.

Kanina, habang sinasala ko yung mga pumasok sa mobile planetarium, hindi ko naiwasang mapailing at manita. Tahimik na kasi kaming mga lecturers pero may isa pa ring grupo na makulit at magulo. Tahimik na rin yung ibang mga kaklase nila. Hinihintay na lang naming makaramdam yung magugulo. Kaso banat pa rin ng banat, kaya tinanong ko na...

"Anong pangalan mo?"
"..." (lumingon lang)
"Anong pangalan mo?"
"Daniel..."
"Astig ka ba?"
"..."
"Ako lang ang astig dito brad."

Buti di umalma. Kundi, nalaman sana nya na pwede rin kaming maging barubal paminsan-minsan...

No comments: